...
Your Cart

Narito sa inyong mga kamay ang pagsasalin ng Matn [teksto] ng Nawāqiḍ al-Islām — Mga Nagpapawalang-bisa ng Islām — na isinulat ni Shaykh al-Islām Muḥammad bin ʿAbd al-Wahhāb. Bagama’t maliit ang aklat na ito, napakalaki ng taglay nitong pakinabang.

Ito ay isa sa mga aklat na palaging ipinapayo ng ating mga iskolar na pag-aralan at isaulo ng mga Ṭullāb al-ʿIlm (mga nagsasaliksik ng kaalaman). Bilang pagsunod sa kanilang payo, at bilang tulong sa ating mga kapatid na Muslim na nagsisimula pa lamang sa kanilang paglalakbay sa pagsasaliksik ng kaalaman, aking isinalin ang maikling aklat na ito sa wikang Tagalog upang higit itong maunawaan at mas madaling maisaulo.

Gayunman, mahalagang tandaan — nawa’y bigyan ka ng Allāh ng tagumpay — na hindi tayo dapat umasa lamang sa sariling pang-unawa sa pagbabasa nito.

Dapat tayong bumalik sa mga paliwanag ng mga ʿUlamāʾ (mga iskolar) upang ito ay maunawaan nang tama at hindi tayo maligaw, gaya ng nangyari sa mga naligaw na sekta ng Khawārij. Sila ay naglalakad sa ibabaw ng mundo at nagdedeklara ng Takfīr (pagpaparatang ng paglabas sa Islām) laban sa mga Muslim, at dahil dito ay kanilang pinapatay ang mga Muslim. Nawa’y iligtas tayo ng Allāh mula sa kanilang kaligawan at patnubayan tayo tungo sa tuwid na landas.

Ilan sa mga paliwanag na maaari nating balikan ay mula kina:

  1. Shaykh ʿAbd al-ʿAzīz ibn ʿAbdullāh ibn Bāz
  2. Shaykh Ṣāliḥ ibn Fawzān al-Fawzān
  3. Shaykh Aḥmad ibn Yaḥyá al-Najmī
  4. Shaykh Zayd ibn Hādī al-Madkhalī
  5. Shaykh ʿUbayd ibn ʿAbdullāh al-Jābirī

At iba pang mga ʿUlamāʾ — na pumanaw man o buhay pa. Nawa’y padaliin ng Allāh sa atin ang pagsasalin ng kanilang mga paliwanag sa wikang Tagalog upang higit na maging malinaw ang pag-unawa dito. At kung hindi man maging madali ang pag-aaral nito sa ilalim ng mga paa ng mga ʿUlamāʾ, ay pag-aralan natin ito sa mga nakapag-aral sa mga ʿUlamāʾ, upang maunawaan natin ito nang wasto.

Why people love our products

High-quality, ethically sourced products at affordable prices

Be the first to leave a review.

There are no reviews yet.

Nawāqiḍ al-Islām — Mga Nagpapawalang-bisa ng Islām

0.00

Decrease product quantity. Increase product quantity.
0

Your email address will not be published. Required fields are marked *