Your Cart

Narito sa inyong mga kamay ang salin ng Matn (teksto) ng Al-Qawāʾid al-Arbaʿ —Ang Apat na Alituntunin—na isinulat ni Shaykh al-Islām Muḥammad bin ʿAbd al-Wahhāb.

Ang ginamit na batayan para sa Matn (teksto) sa wikang Arabe ay ang Taḥqīq (pagwawasto at pagpapatunay) ni Shaykh ʿAbd al-Muḥsin al-Qāsim — Imām at Khaṭīb ng Masjid an-Nabawī — mula sa kaniyang aklat na Mutūn Ṭālib al-ʿIlm.

Ito ay isa sa mga aklat na palaging ipinapayo ng ating mga iskolar na pag-aralan at isaulo ng mga Ṭullāb al-ʿIlm (mga nagsasaliksik ng kaalaman). Ito ay dahil, gaya ng sinabi ni Shaykh ʿAbd al-ʿAzīz ibn Bāz:

من عقلها وفهمها جيدا فهم دين المشركين وفهم دين المسلمين

“Sinumang makaunawa sa mga ito at lubos na makaintindi sa mga ito ay mauunawaan niya ang relihiyon ng mga Mushrik (mga taong nagtatambal sa Allāh) at mauunawaan niya ang relihiyon ng mga Muslim.”

Bilang pagsunod sa kanilang payo at bilang tulong sa ating mga kapatid na Muslim na nagsisimula pa lamang sa kanilang paglalakbay sa pagsasaliksik ng kaalaman, aking isinalin ang maikling aklat na ito sa wikang Tagalog upang higit nila itong maunawaan at mas madali nilang maisaulo.

Gayunman, mahalagang tandaan—nawa’y bigyan ka ng Allāh ng tagumpay—na hindi tayo dapat umasa lamang sa sarili nating pang-unawa habang binabasa ito.

Dapat tayong bumalik sa mga paliwanag ng mga ʿUlamāʾ (mga iskolar) upang maunawaan natin ito nang tama.

Ilan sa mga paliwanag na maaari nating balikan ay mula kina:

  1. Shaykh ʿAbd al-ʿAzīz ibn ʿAbdullāh ibn Bāz
  2. Shaykh Ṣāliḥ ibn Fawzān al-Fawzān
  3. Shaykh Aḥmad ibn Yaḥyá al-Najmī
  4. Shaykh Zayd ibn Hādī al-Madkhalī
  5. Shaykh Ṣāliḥ ibn Muḥammad al-Luḥaydān
  6. Shaykh Rabīʿ ibn Hādī al-Madkhalī
  7. Shaykh ʿUbayd ibn ʿAbdullāh al-Jābirī
  8. Shaykh Ṣāliḥ ibn ʿAbd al-ʿAzīz Āl al-Shaykh
  9. Shaykh Khālid bin Qāsim ar-Raddādī

At iba pang mga ʿUlamāʾ, pumanaw man o buhay pa. Nawa’y padaliin ng Allāh para sa atin ang pagsasalin ng kanilang mga paliwanag sa wikang Tagalog upang maging higit na malinaw ang pag-unawa natin sa aklat na ito.

Why people love our products

High-quality, ethically sourced products at affordable prices

Be the first to leave a review.

There are no reviews yet.

Al-Qawāʿid al-Arbaʿ — Ang Apat na Alituntunin

₱0.00

Decrease product quantity. Increase product quantity.
0

Your email address will not be published. Required fields are marked *